Ang Sarap naman nito pre! Saan ba ito nanggagaling?
Ito ay nanggagaling sa sektor ng agrikultura. Ang pagbili ng produktong lokal katulad nito ay nagpapakita ng pagpapahalaga at supporta sa kanila.
Pre ako na ang magbabalik ng bowl at magtatapon ng ating kalat para makabalik na tayo sa klase ni ma'am
Sige pre. Tandaan mo na mahalaga ang pagtatapon ng basura sa tamang tapunan. Makakatulong ito sa kapaligiran lalo na sa pangingisda. Maiiwasan ang polusyon sa tubig na maaaring maging dahilan ng pagkawala ng kanilang hanapbuhay at ating pagkain.
Good afternoon po ma'am!
Ang pag uusapan natin ngayon ay kung paano natin maipapakita ang pagpapahalaga at supporta sa sektor ng agrikultura.
Uy tamang tama! Pinag - uusapan po namin iyan kanina ni Juan.
Si Juan at Luna ay kumakain sa canteen ng kanilang paaralan. Tinanong ni Juan si Luna kung saan ba nanggagaling ang kanin at isda na kanilang kinakain. Sinabi naman ni Luna na ito ay nagmumula sa sektor ng agrikultura at ang pagbili ng mga produktong lokal katulad nito ay nagpapakita ng pagpapahalaga at supporta sa sektor na ito.
Ang illegal na pagtrotroso rin ay magbubunga sa kawalan ng tirahan ng mga hayop. Ito rin ay magiging sanhi ng pagbaha kaya tatandaan niyo ha, iwasan ang iilegal na pagtrotroso.
Isa sa pagpapahalaga sa sektor ng agrikultura ay ang pag iwas sa illegal na pagtrotroso. Ang illegal na pagtrotroso ay magbubunga ng kabawasan sa hilaw na sangkap na ginagamit ng mga industriya.
Sinabi ni Luna kay Juan na ang pagtatapon ng basura sa tamang tapunan ay makakatulong upang maiwasan ang polusyon. Ang polusyon ay isa sa suliranin na kinahaharap ng sektor ng agrikultura lalo na sa pangingisda. Sapagkat kapag mayroong polusyon sa lugar na kanilang pinangingisdaan ay mamamatay ang mga yamang - tubig na kanilang pinagkakakitaan at ating kinakain. Ang pagtatapon ng basura sa tamang tapunan ay isa pa sa paraan upang ipakita ang pagpapahalaga sa sektor ng Agrikultura.
Ang pangalawang paraan ay ang pakikialam at pakikilahok sa pamamahala ng bansa. Sa pamamagitan nito maisusulong ang adhikain at mga pangangailangan ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura.
Ang panghuling paraan ay family planning. Ang lumalaking populasyon ay isa sa suliranin ng sektor ng agrikultura. Kapag patuloy ang paglaki ng populasyon mahihirapan ang sektor ng agrikultura na magsuplay ng pagkain para sa mga mamamayan.
SIla ay bumalik na sa classroom. Nasaktuhan na ang kanilang lesson para sa araw ay kung paano ipapakita ang pagpapahalaga at pagsupporta sa sektor ng agrikultura.
Wow! Salamat po sa pagtuturo sa amin ng mga paraan upang maipakita ang pagpapahalaga sa sektor ng agrikultura.
Salamat po maam. Tatandaan po namin palagi ang mga ito.
Sinabi ng guro na isa sa paraan upang ipakita ang pagpapahalaga sa sektor ng agrikultura ay ang pag iwas sa illegal na pagtrotroso. Ang illegal na pagtrotroso ay magbubunga ng ibat ibang bagay katulad na lamang ng kawalan ng hilaw na materyales na gagamitin ng mga industriya.
Binigyan pa ng guro ng ibang halimbawa ng mga paraan upang maipakita ang pagpapahalaga sa sektor ng agrikultura sila Juan at Luna.
Itinuro ni Luna ang dalawang paraan kung paano ipakita ang pagpapahalaga at supporta sa sektor ng agrikultura. Ito ay ang pagtangkilik sa sariling produkto at pagtatapon ng basura sa tamang tapunan. Itinuro naman ng guro ang tatlong paraan. Ito ay ang pag - iwas sa illegal na pagtrotroso, family planning, at pakikialam at pakikilahok sa pamamahala ng bansa. Si Juan at Luna ay nagpasalamat sa kanilang guro. THE END