بحث
  • بحث
  • بلدي القصص المصورة

Ang alamat ng palaisipan (jigsaw puzzle)

قم بإنشاء Storyboard
انسخ هذه القصة المصورة
Ang alamat ng palaisipan (jigsaw puzzle)
Storyboard That

إنشاء القصة المصورة الخاصة بك

جربه مجانا!

إنشاء القصة المصورة الخاصة بك

جربه مجانا!

نص القصة المصورة

  • Si Ms. Lopez ay ang guro sa sining ngmag-aaral ng grade 4. Nag-bigay siya ng proyekto sa kanyang mga estudyante. Angproyekto ay gumuhit ng anumang kumakatawan sa Pilipinas. Ang lahat ng mag-aaralay natuwa sa kanilang bagong proyekto. Agad sinimulan ng mga mag-aaral angpag-guhit sa puting papel ng naisip nilang bagay na kumakatawan sa Pilipinas.
  • Isa sa mga estudyante ay si Michael, siya ay isang mabait at matalinong mag-aaral. Nagsimula siyang gumuhit ng isang magandang imahe ng bahay kubo. Pagkatapos ng ilang oras, natapos na ni Michael ang kanyang proyekto, ito ay napakagandang imahe ng bahay kubo. Masaya syang pinag mamasdan ang kanyang proyekto ng biglang kinuha ito ni Oliver. Si Oliver ay isang makulit at bully na bata. Pinunit ni Oliver ang proyekto ni Michael at sinabog nya ito sa sahig.
  • Bumalik si Oliver sa kanyang upuan na para bang walang nangyari. Labis na nalungkot si Michael at halos maiyak. Masamang masama ang loob ni Michael sa ginawa ni Oliver, hindi na mapigilan ni Michael ang sarili kaya't sinabi niya kay Ms.Lopez ang nangyari. Kinausap ni Ms.Lopez si Oliver at sinabihan niya itong humihingi ng tawad kay Michael. Ngunit ayaw humingi ng tawad ni Oliver.
  • Ipinaliwanag ni Ms. Lopez kay Oliver na angkanyang ginawa ay masama at may mga kahihinatnan ito kung magpapatuloy siya sapag bully sa ibang kaklase, kung magpapatuloy siya na gawin ito sa iba ay maarisiyang mawalan ng mga kaibigan. Napagtanto ni Oliver ang kanyang pagkakamali atayaw niyang mawalan kaibigan, agad siyang humingi ng tawad kay Michael.
  • Masayasi Ms. Lopez dahil napagtanto ni Oliver ang kanyang pagkakamali. Pinatawad niMichael si Oliver. Napagpasyahan ni Oliver na pasayahin si Michael, agad niyangkinuha ang mga piraso ng papel na may mga guhit ni Michael ng bahay kubo atsinubukan niya itong pag dikit-dikitin. Tinulungan ni Michael si Oliver napag-dikit dikitin ang mga papel. Hindi nagtagal at nabuo muli ang imahe ngbahay kubo, masayang masaya si Michael at Oliver.
  • Nakita ni Ms.Lopez kung ano ang ginawa ngdalawang bata at inisip ng guro na maaari niyang gawin itong susunod naproyekto, ang buuin muli ang mga pira-pirasong papel upang mabuo ulit angimahe. At ito na nga ang tinatawag natin ngyon na palaisipan o jigsaw puzzle.Mula noon ay naging mabuting magkaibigan na si Michael at Oliver.
تم إنشاء أكثر من 30 مليون من القصص المصورة