Magandang araw Binibini, ako pala si Jose maari ko bang malaman ang iyong pangalan?
Magandang araw din saiyo Ginoo, ako si Leonor.
Itapat mo ang aking mga liham sa lamparang iyan Leonor at ang aking gustong sabihin saiyo ay iyong mababasa.
Ang galing nito Jose tunay na ang lawak ng iyong mga imahinasyon sa mga bagay-bagay.
------------------------
Noong sopomor si Jose sa Unibersidad ng Santo Tomas ay tumutuloy siya sa bahay ni Donya Concha Leyva sa Intramuros at doon niya nakilala si Leonor "Orang" Valenzuela, ang kaniyang kapitbahay na anak na babae nina Kapitan Juan at Kapitana Sanday Valenzuela. Siya ay isang matangkad na babae na may kagandahang-loob at elegante.
Tinuruan niya si Leonor kung paano basahin ang kaniyang mga sulat sa pamamagitan ng pag-init nito sa ibabaw ng lampara o kandila para lumabas ang mga salita. Atsa kasamaang palad, tulad ng kaniyang unang pag-ibig,nabigo si Jose na hingin ang kamay ng binibini upang ito ay kaniyang pakasalan.