Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao na pinamumuhunan ng puu-puung taong pag-aaral at pagpapasakit. Karaniwan sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito'y naitutulad din sa paghahalaman.
Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila.
Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod...
Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy.
Si Mang Simon naman ay sinamahan ang anak sa pag-luwas papuntang Maynila upang doon mag-aral. Awa naman ng Diyos ay malulwalhating nakarating sila sa lungsod. Tinungo nila agad ang paaralan. At kanilang nadatnan ang tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng mga bata.
Halika at makikipag-usap muna ako sa punong guro.