Opportunity Cost ang tawag kapag ipinagpaliban ang isang bagay tulad ng paglalaro para sa isang mas magandang alternatibo tulad ng pag-aaral upang makakuha ng mataas na iskor sa exam.
Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sapang-araw- araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan (AP9MKE-Ia-1)
Ivan, gusto mo bang maglaro ng computer? Hindi pa naman nagsisimula ang klase natin.
Ipagpaliban mo muna ang paglalaro, Karl. Mas mainam mag-aral muna upang makakuha ng mataas na iskor sa exam.
Ang trade off ay pagsasakripisyo ng isang bagay (halimbawa ang paglalaro) kapalit ng isa pang bagay (tulad ng pag-aaral muna).
Ma, mag-aaral po muna ako. Kapag natapos ko na po, tsaka na lang ako maglalaro.
Ang incentives naman ay pandagdag kasiyahan mula sa nabuong desisyon. Halimbawa, maliban sa mataas na grades ay kakain sa labas kasama ng pamilya
Mas mainam. Ipagpatuloy mo yan anak. Kapag nakakuha ka ng mataas na grades, kakain tayo sa labas ng Tatay mo.
Marginal Thinking ang tawag kapag sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga ng desisyong ginawa.
Tama naman yung sinabi ko kay Karl na mag-aral muna kami. Nakatipid na siya, tataas pa ang grades naming dalawa. Mas makatutulong pa kami sa pamilya namin kapag nakatapos kami ng pag-aaral.