Tahimik na namumuhay sa maganda at masaganang lupain ng Tahiti ang mag-asawang si Haumea, ang diyosa ng makalumang kalupaan at si Kane Milohai, ang diyos ng kalangitan kasama ang kanilang anim na anak na babae at pitong anak na lalaki.
الانزلاق: 2
Nag-ugat ang matinding awayan ng magkapatid sa paniniwala ni Namaka na inagaw ng kapatid na si Pele ang kaniyang kabiyak. Noong una’y pilit inaayos ng magulang ang alitang ito. Katunayan, ninais nilang maging isa ring diyosa ng tubig si Pele tulad ng kapatid na si Namaka.
الانزلاق: 3
Isang araw, sa muling pakikipaglaro ni Pele sa apoy ay aksidenteng nasunog ang kanilang tirahan, ang buong isla ng Tahiti. Galit na galit si Namaka nang malaman ang ginawa ni Pele at nagbantang paahunin ang tubig sa buong isla upang lumubog ito sa baha. Sa takot ng mag-asawang Haumea at Kane Milohai para sa kaligtasan nilang lahat ay agad-agad nilang isinakay ang kanilang buong pamilya sa isang bangka.
الانزلاق: 4
Kahit nakalipat sila sa isang mataas na lugar naabutan pa rin sila ni Namaka at naglaban na sila ni Pele at nanalo si Pele subalit ikinamatay niya ito dahil siya ay nanghina. Subalit ang kanyang espirito ay patuloy gumagala sa tabi ng bulkan.
الانزلاق: 5
Pinasundo ni Pele ang kanyang kasintahan kay Hi'aka, subalit kailangan niyang bantayan ang hardin nito, subalit hindi sila agad nakabalik at nagselos si Pele at nasira niya ang hardin ng kapatid at napatay niya ang kasintahan at ikanalungkot ito ni Hi'aka dahil may pag tingin na rin siya sa binata.
الانزلاق: 6
Hiniling ni Hi'aka sa kanyang Kuya na si Kane-milos na buhayin si Lohi'au at pinagbigyan niya ito. Pinabayaan na ni Pele mabuhay sila ng mapayapa at nagsisi siya sa kanyang ginawa sa kapatid at kay Lohi'au. Bilang pagpapakita ng pagsisi sa nagawa sa dalawa ay ginawa niyang masibol ang kahit anong itanim nila.