Juanito Pelaez: Maalala ko! Alam mo, ako ay pinamamahala sa paglikom ng kontribusyon.
Placido Penitente: Anong kontribusyon?
Juanito Pelaez: Para sa bantayog kay Padre Baltazar. Hindi mo alam?
Placido Penitente: Anong bantayog? Sino itong Padre Baltazar?
Juanito Pelaez: Isa siyang Dominiko, at iyan ang dahilan kaya nakiusap ang mga prayle sa mga mag-aaral. Sige na, magbigay ka na ng tatlo o apat na piso para maipakita nating tayo ay mapagbigay.
Juanito Pelaez: Huwag nating hayaang masabi nila na hindi pa makapagpapagawa ng bantayog kung hindi manggagaling sa bulsa ng mga prayle. Sige na, Placido, hindi mapupunta sa wala ang iyong salapi.